-- Advertisements --
earthquake

Kinumpirma ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Renato Solidum na nasa 6.9 magnitude na lindol ang yumanig sa Davao del Sur bandang alas-2:11 ngayong hapon.

Ayon kay Solidum, ang lindol ay may lalim na 030 kilometers at ang lokasyon nito o epicenter ay sa Padada, Davao del Sur.

Tectonic ang origin ng nasabing lindol.

Samantala, intensity 6 ang naramdaman sa Matanao, Davao del Sur.

Pinag-iingat din ni Solidum ang publiko dahil posibleng magkakaroon pa ito ng mga aftershocks.

Hindi naman masabi ni Solidum kung ito na ang pinaka malakas na lindol na naranasan sa Mindanao.

Nilinaw naman ng Philvocs na walang banta ng tsunami kasunod ng 6.9 magnitude na lindol.