Nagtamo ng injury ang sikat na Brazillian football star na si Neymar, matapos ang naging pagkatalo ng Brazil sa koponan ng Uruguay, sa naganap na laban ng dalawa kamakailan.
Inanunsyo ito ng Brazilian Football Confederation (CBF), kasabay ng pagsasabing sasailalim si Neymar sa surgery sa lalong madaling panahon.
Batay sa inisyal na findings, si Neymar ay nagtamo ng torn ligament and meniscus sa kanyang kaliwang tuhod.
Maalalang unang pumirma si Neymar ng kanyang kontrata sa ilalim ng Al Hilal ng Saudi Arabia ngunit sumama muli siya sa Brazillian team para sa 2026 World Cup qualifying match.
Sa kasalukuyan, hindi pa inilalabas ng Brazillian team ang timeline para sa magiging surgery ni Neymar ngunit siniguro ng management na prayoridad nito ang kalusugan ng football superstar.
Una nang sumailalim ang 31-anyos na atleta sa ilang serye ng operasyon kung saan ang pinakahuli dito ay ang operasyon sa kanyang bukong-bukong noong buwan ng marso.