Tuluyan nang nilisan ni Brazillian football star Neymar ang PSG Football Club sa France, matapos niyang tanggapin ang alok ng Saudi Arabian football club na Al Hilal.
Maalalang unang inalok ng Al Hilal ang sikat na football star na si Kyllian Mbappe na siya sanang magbubulsa sa pinakamalaking sahod sa kasaysayan ng football sa buong mundo, pero tinanggihan niya ito.
Para kay Neymar, Marami na umano siyang naabot habang naglalaro sa Europa kayat nais din umano niyang subukin ang kaniyang sarili sa ibang pang lugar.
Malaki aniya ang potensyal ng Saudi pro League, lalo na at marami ang mga magagaling na players ng club na kanyang pupuntahan.
Samantala, sa ilalim ng Al Hilal, sasahod si Neymar ng hanggang 100million Euro kada bawat season.
Ang 31 anyos na si Neymar ay anim na taon ding naglaro sa ilalim ng PSG Club. Una siyang pumirma ng kontrata noong 2017, at nagawang makapaglaro ng hanggang 173 football match.
Dito ay nagawa niyang makapagpasok ng hanggang 118 goals, kasama ang isa sa pinakamagaling na football star na si Kyllian Mbappe.