-- Advertisements --
Binatikos ni Brazilian President Luiz Inácio “Lula” da Silva ang mga kapulisan ng kanilang bansa.
Ito ay matapos na bigo nilang mapigilan ang mga protesters na lusubin ang mga gusali ng gobyerno.
Ayon sa pangulo na binalewala ng mga kapulisan ang mga kumalat na intelligence report.
Isinagawa ni Lula ang pahayag sa pagpupulong ng kaniyang mga gobernador.
Nais alamin ng Brazilian President kung sino ang nasa likod ng pag-uudyok sa protesters na lumusob sa mga government offices.
Nasa mahigit 1,000 mga protesters na rin ang naaresto ng mga otoridad dahil sa sapilitang pagpasok nila sa mga government offices.