Sinigurado ni Brazilian President Jair Bolsonaro na nasa maayos itong kalagayan kahit pa nagpositibo ito mula sa coronavirus infectious disease.
Sa Facebook Live post ng 65-anyos na pangulo, makikita na masiglang masigla ito at walang kasama na minister o senior officials. Nagawa rin nitong purrin ang anti-malarial drug na hydroxychloroquine kahit wala pang patunay na epektibo ito kontra COVID-19.
Ilang ulit binalewala ni Bolsonaro ang panganib na dulot ng virus kung saan pinatutsadahan din nito ang health protocols na ipinatupad ng ilang Brazilian governors.
Kwento ni Bolsonaro kaagad daw siyang uminom ng hydroxychloroquine matapos sumama ang kaniyang pakiramdam.
“I’m saying this very clearly,” saad ni Bolsonaro.
“I took (hydroxychloroquine) and it worked, and I’m fine, thank God. And let those who criticize it at least offer an alternative,”
Subalit itinanggi ng pangulo na isinusulong nito ang propaganda para sa naturang gamot.
Nananatili namang nasa ikalawang pwesto ang Brazil sa worldwide tally ng deadly virus na may kabuuang bilang na 3,220,500 total cases habang 69,254 na ang namatay.