-- Advertisements --

Hinatid na huling hantungan niya ang Brazilian football star na si Pele.

Ang three-time World Cup winner na si Pele o Edson Arantes do Nascimento sa tunay na buhay ay pumanaw nitong Disyembre 29 sa edad na 82 dahi sa multiple organ failure bunsod ng kaniyang colon cancer.

Nagsimula ang haba ng pagpila ng mga tao mula sa Urbano Caldeira Stadium ang lugar ng dating koponan ni Pele at dumaan sa kalsada ng Santos city ang lugar kung saan nakatira ang 100-taong gulang na ina nito na si Celeste Arantes.

Ginanap ang private funeral sa Memorial Necropole Ecumenica cemetery.

Aabot sa 230,000 katao na nakasuot ng iconic na yellow jersey ng Brazil ang nagtungo para magbigay pugay sa namayapang football legend.

Kabilang na dumalo sa libing ay sina Brazilian president Lula da Silva ganun din si FFA President Gianni Infantino.

Magugunitang nagsagawa ng tatlong araw na national mourning ang Brazil matapos ang pagpanaw ng itinuturing na greatest football player sa kasaysayan.