Kinondina ng Brazilian Football Confederation ang paggamit ng kanilang jersey ng mga rioters na lumusob sa kongreso ng Brazil.
Karamihan kasi sa mga naarestong protesters na lumusob sa kongress at ibang mga opisina ng gobyerno ng Brazil ay nakasuot ng football jersey na kulay dilaw at berde.
Ayon sa Brazilian Football Confederations na ang kanilang koponan ay sumisimbolo sa kasiyahan ng mga tao at sila ay nandiyan para ipagdiwang ang pagmamahal sa bansa.
Iginiit nila na wala silang anumang pulitika na kinaaaniban at hinikayat nila ang mga mamamayan ng Brazil na magkaisa.
Magugunitang nilusob ng mga protesters na suporters ni dating President Jair Bolsonario ang kongreso at ilang mga opisina ng gobyerno kung saan pinagsisira nila ang mga kagamitan doon.