-- Advertisements --
image 128

Ipinag-utos ng gobyerno ng Brazil ang pag-aresto sa top officials matapos lusubin ng mga protester ang mga gusali ng gobyerno sa Brasilia, ang federal capital ng Brazil.

Isang opisyal na dating commander ng military police ang napaulat na naaresto subalit kaniya itong itinanggi.

Kabilang pa sa mga opisyal na inaresto ay ang dating public security chief ng Brasilia na si Anderson Torres at iba pa na responsable sa “acts at ommissions” na nagresulta sa riots.

Na-dismiss naman sa serbisyo si Col. Fabio Augusto , ang police commander matapos lusubin ng mga taga-suporta ni dating Barzilian President Jair Bolsonaro ang Congress, presidential palace at Supreme Court.

Sumiklab ang mga riot sa bansa isang linggo matapos na opisyal ng manumpa ang bagong Pangulo na si Luiz Inacio Lula da Silva na mas kilala sa tawag na Lula.

Aabot na sa 1,500 katao ang naaresto at dinala sa mga prisinto.