-- Advertisements --

Kinumpima ni Indian Ambassador to Manila Shambhu Kumaran na nakatakdang makatanggap ang Pilipinas ng unang batch ng BrahMos supersonic cruise missiles.

Ayon pa sa Indian envoy, tinatrabaho na nilang maipadala ang naturang missiles sa lalong madaling panahon.

Ginawa ng opisyal ang pahayag sa sidelines ng ika-75 Republic Day reception sa Makati city noong nakalipas na linggo.

Una ng inihayag ng isang kinatawan mula sa weapons manufacturer na nakatakda sanang dumating sa bansa noong Disyembre 2023 ag missiles.

Matatandaan din na una ng lumagda ang gobyerno ng Pilipinas sa P18.9 billion deal sa BrahMos Aerospace Private Ltd. na isang Indian-Russian joint venture noong January 2022 para sa 3 Cruise missiles batteries bilang bahagi ng shore-based antiship missile system project ng Philippine Navy.

Sa naturang contract signing, sinabi noon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na magagawang pigilan ng BrahMos na itinuturing na pinakamabilis na supersonic cruise missiles sa buong mundo ang anumang pagtatangka na sirain ang ating soberaniya at sovereign rights lalo na sa West PH Sea.

Sa oras na dumating na sa PH ang BrahMos, ang pangunahing user nito ay ang Philippine Marine Corps’ (PMC) Coastal Defense Regiment kung saan ilan sa kanilang personnel ang una ng sumabak sa pagsasanay sa India noong nakalipas na taon para matutunan kung paano i-operate ang naturang missile system.