Reading Time: 1 minute

Tinuldukan na nina Bradley Cooper at Irina Shayk ang kanilang relasyon bilang magkasintahan.

Batay sa impormasyon, mutual decision ng 44-year-old Oscar-nominated actor at 33-year-old supermodel ang paghihiwalay pero mananatiling mabuting magulang sa kanilang only daughter.

Taong 2017 nang “magbunga” ang love story nina Cooper at Shayk na nagsimula noong 2015.

Una nang inihayag ng nasabing supermodel na mas pinipili nila ng “A Star Is Born” actor na panatilihing pribado ang kanilang relasyon.

“I have a lot of friends who share a lot of their personal life on Instagram or social media, very publicly. I admire it and I think it’s great – but I think it’s all about personal choice,” ani Shayk. (OMG)