-- Advertisements --
Ibinunyag ng actor na si Brad Pitt na dumaranas siya ng facial blindness.
Sa nasabing sakit ay hindi agad niya makikilala ang isang tao hanggang hindi niya ito tignan ng pangalawang beses.
Kahit na hindi ito opisyal na na-diagnosed ay naniniwala ang 58-anyos na actor na taglay niya ang nasabing sakit.
Mula pa aniya noong 2013 ay kaniya ng nararanasan ang nasabing sakit.
Ayon sa National Institute of Health na ang Prosopagnosia ay isang neurological disorder kung saan mahihirapan ang isang tao na makilala ang sinuman kahit na ito ay kaniyang kamag-anak.