BUTUAN CITY – Balik na sa kani-kanilang sub-camps ang mga Boy Scout of the Philippines delegates ng 17th National Jamboree sa Botolan, Zambales.

Ito ay matapos na ilikas sila kagabi dahil sa preemptive evacuation na ipinatupad ng Zambales Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office bunsod ng epekto ng Bagyong Tisoy.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan kay Councilor Cromwel Nortega, chairman ng Committee on Sports ng Sangguniang Panlungsod, sinabi nito na ang mga senior scouts lang ang nananatili sa camp site.

Dagdag pa ni Nortega, nasira ng bagyo ang ilan sa kanilang mga sub-camps kung kaya’t muli itong itinayo kanina kahit tuloy pa rin ang buhos ng ulan.