-- Advertisements --

Pumanaw na ang dating world heavyweight boxing champion na si Leon Spinks sa edad 67.

Ayon sa kaniyang management company na noon pang 2019 ay na-diagnosed na ito ng advance stage prostate cancer.

Namatay ang dating US marine sa kaniyang bahay sa Henderson, Nevada.

Sinabi ng kaniyang asawang si Brenda Glur Spinks na hanggang sa huling hininga ay lumaban pa ito.

Isinilang siya sa St. Louis, at nanalo ng gold medal sa 1976 Olympics sa Montreal.

Matapos ang halos dalawang taon ay nagwagi ito sa pamamagitan ng split decision laban kay boxing legend Muhammad Ali para makamit ang WBC, WBA heavyweight titles sa loob ng walong rounds.

Nabawi ni Ali ang kaniyang titulo matapos ang pitong buwan sa rematch nila noong Setyembre 1978,
Nagtapos ang kaniyang career na mayroong 26 panalo, 17 talo at tatlong draws.

Sumunod sa yapak nito ang anak na si Cory, 42 na dating undisputed welterweight champion at nanalo ng world title sa light-middleweight division.