-- Advertisements --

Dahil sa left uppercut ni Eumir Marcial, napatumba nito ang kaniyang kalaban na si Thoedsak Sinam ng Thailand sa homecoming fight nito sa Ninoy Aquino Stadium. 

Tumagal lang ng isang minuto at 33 segundo ang ika-4 na round ng laban kung saan dito na na-knock out ni Marcial ang Thai national. 

Itinuturing ni Marcial na malaking tulong ang naturang laban sa kaniyang preparasyon para sa Paris Olympics. Satisfied ang boxer sa kaniyang performance dahil nagawa umano nilang ma-knock out ang kalaban.

Ibinahagi rin ni Marcial na patuloy ang kaniyang training lalo na pagdating sa jab, isang uri ng pagsuntok, dahil dito raw malalakas ang boxers ng ibang mga bansa.

Samantala, plano munang magpahinga ni Marcial ng isang linggo bago ito umalis patungong US upang ituloy ang training para sa paparating na Paris Olympics.

Magugunitang nag-uwi na ng medalya si Eumir Marcial matapos itong makakuha ng silver medal sa middleweight division ng 2019 World Championships at bronze medal noong 2020 Summer Olympics.