Patay ang lima katao habang dalawa ang sugatan sa nangyaring bow and arrow attack sa Norway.

Iniimbestigahan ngayon ng mga police ang posibilidad na “act of terrorism” ang ginawa ng 37-anyos na suspek.

Tinawag naman ni Prime Minister Erna Solberg ang insidente na nakakakilabot.

Napag-alaman na bigla na lamang naglunsad ng pang-aatake ang suspek sa loob ng Coop Extra supermarket on Kongsberg’s west side.

Isa sa mga nasugatan ay ang isang off-duty police officer na nasa loob ng shop.

-- Advertisement --

Sinubukan pa ng suspek na tumakas ngunit nahuli ito ng mga otoridad.