Dalawang araw pagkatapos ng Okt. 30 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), ang Barangay Naguma sa Calbayog City, Samar ay nagsagawa ng botohan sa village at youth council nito matapos ang mga insidente ng harassment.
Matatandaan na iniulat ng Commission on Elections na pinaputukan ng isang rebeldeng grupo ang contingent na naghahatid ng mga election paraphernalia sa baryo ng Naguma at Dinawacan, na nagpahinto sa paghahatid at sinuspinde ang pagboto noong araw ng Lunes.
Ang Dinawacan ay nakapagsagawa ng halalan at nagpahayag ng mga nanalo noong Oktubre 31, ngunit ang Naguma ay nabigo sa pagsasagawa ng aktibidad.
Ayon kay COMELEC Spokesperson John Rex Laudiangco, ang ilang opisyal ay naipit sa gitna ng labanan ng armadong mga grupo.
Aniya, pinananatiling ligtas at protektado ang mga opisyal ng kanilang mga reinforced escort mula sa Philippine Army, na nagawang i-neutralize ang 5 miyembro ng grupo.
Dahil sa ikalawang insidente, nagsagawa na lamang ng halalan ang Naguma ngayong araw na kung saan ito ang nag-iisang natitirang nayon na patuloy pa rin ang pagboto ng mga residente.