-- Advertisements --

Kinuwestyon ni Sen. Alan Peter Cayetano sa isa nitong pahayag ang legalidad sa pagkakaluklok ni Sen. Win Gatchalian bilang bagong Senate President Pro Tempore. 

Kung saan kanyang pinanindigan pa rin ang kanyang posisyon bilang lehitimong pinuno o lider ng mataas na kapulungan ng Kongreso o Senado.

Binigyang diin ng mambabatas na wala umanong bisa ang naganap na botohan ng labing dalawang senador dahil sa kawalan ng mayorya o quorum upang mabago ang liderato. 

Katulad ng binanggit ni Sen. Jinggoy Estrada, 13 boto mula sa mga nakaupong senador ang kinakailangan o itinuturing bilang ng mayorya bago mapatalsik ang nakaupong opisyal batay sa nakasaad sa konstitusyon.

Paliwanag pa nito na base maging sa panuntunan ng senado, maari lamang gampanan ng Senate President Pro Tempore ang pagiging acting Senate President kung ang nakupong pinuno ay nag-bitiw, natanggal sa pwesto gamit ang sapat na boto, namatay o nakaranas ng absolute incapacity. 

Kaya nama’y sa kabila ng mga pangyayari, pagtitiyak niya’y tuloy pa rin ang mga nakatakdang pagdinig ng kanyang komite ukol sa mga anomalya na siyang naganap naman kahapon.