Muling papasok sa Conference Finals ang Eastern Conference defending champion na Boston Celtics, matapos nilang tambakan kanina ang Philadelphia 76ers sa huli nilang paghaharap. Nagtapos ang laban sa score na 112 – 88.
Mistulang binuhat ni Boston Forward Jayson Tatum ang buong Celtics team sa kanyang 51 big points, 13 rebound double-double performance. Ito na ang playoffs career high ni Tatum.
Nagdagdag rin ng 25 points ang kanyang ka-tandem na si Jaylen Brown. Ang puntos ng dalawa ay halos sumapat na para pataubin ang kabuuang puntos ng Sixers.
Mistula namang inalat ang halos lahat ng mga players ng Sixers dahil wala sa kanila ang umabot sa 20 points.
Nalimitahan lamang kasi sa 19 points si Sixers Forward Tobias Harris, 17 points si Tyrese Maxey, habang ang kanilang star, at kasalukuyang NBA MVP na si Joel Embid ay 15 points lamang. Maging ang kanilang Star na si James Harden ay hindi rin umubra dahil umabot lang ito ng 9 points.