-- Advertisements --
Nagsama ng puwersa sina Jimmy Butler na may 24 points, at si Kyle Lowry na nagdagdag ng 23 points para kumayod ng husto ang Miami Heat sa fourth quarter para pigilan ang Boston Celtics na makaisa sa kanila, 106-98.
Dahil dito, nanatiling No. 1 pa rin ang Heat sa Eastern Conference at bilang top seed.
Sumuporta naman si Bam Adebayo na may 17 points at 12 rebounds upang tulungan din ang Miami (49-28) na iposte ang kanilang second straight win matapos maranasan ang season-worst four-game losing streak.
Ang Boston (47-30) na panandaliang nahawakan ang top spot ay lumasap din ng dalawang sunod na pagkatalo.
Nanguna sa Celtics si Jaylen Brown na kumamada ng 28 points at 10 rebounds, habang si Jayson Tatum ay nagdagdag ng 23 points at six assists.