Samuel Jackson
Samuel Jackson / IG post

Kinuha ng kumpanyang Amazon ang boses ng actor na si Samuel L. Jackson at ilang mga celebrities para sa virtual assistant nila na Alexa.

Ang nasabing hakbang ay para makahikayat ng mas maraming mamimili ng produkto.

Sinabi ni Amazon Senior Vice President David Limp na ang boses ng mga artista ay nagkakahalaga ng $0.99.

Paraan aniya ito ng kumpanya para mas maging angat sa kanilang mga katunggaling kumpanya.