BongBong Marcos
IMAGE | Statement from Atty. Liza Marcos, wife of ex-Sen. Bongbong Marcos

Negatibo mula sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang dating senador na si “Bongbong” Marcos.

Ito ang kinumpirma ng kanyang asawa na si Atty. Liza Marcos sa isang statement na nagpasalamat din sa mga nagpaabot ng dasal at suporta sa dating mambabatas.

Nilinaw ng misis na Marcos na nasa mabuting lagay ito, gayundin na hindi bumigay ang kanyang baga na taliwas umano sa mga lumabas na ulat.

“He was not airlifted in Manon Chavit’s (Singson) plane to get treatment in Singapore. He is not dying. Nor is he dead.”

Makikita sa larawan na kuha umano ng kanilang mga anak nitong umaga ang nakangiting si Marcos na hawak ang isang dyaryo habang nakaupo sa kama.

“Yesterday, we had ourselves and our entire staff tested for COVID-19. Fortunately, we all tested NEGATIVE.”

“We are taking the COVID-19 outbreak SERIOUSLY and have instituted sanitation procedures at home. We hope you and your family do the same.”

“Thank you again for your show of concern. It is much appreciated.”