Inilabas ngayon ng Social Weather Stations (SWS) ang resulta ng pinakabago nilang senatorial survey kung saan pumangatlo na si dating Special Assistant to the President (SAP) Bong Go.

Batay sa survey na isinagawa mula Pebrero 25 hanggang 28, nanguna pa rin si re-electionist Sen. Grace Poe kasunod sina re-electionist Sen. Cynthia Villar, SAP Bong, Taguig Rep. Pia Cayetano, dating Sen. Lito Lapid, re-electionist Sen. Sonny Angara, Nancy Binay, dating Sen. Jinggoy Estrada, dating DILG Secretary Mar Roxas, Sen. Bam Aquino, dating Sen. Bong Revilla at pang-12 si dating PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa.

Kaugnay nito, sinabi ni Go na labis siyang nagpapasalamat sa patuloy na pag-angat ng kanyang rating sa mga survey dahil umano sa pagtitiwala ng taongbayan sa kanya.

Hindi naman nakalimutang pasalamatan ni Go ang kanyang mentor na si Pangulong Rodrigo Duterte na nagtiwala sa kanya at ipinagmalaki ang kanyang integridad sa pag-iendorso sa kanya.