-- Advertisements --

Muling pinatunayan ng Bombo Radyo Philippines ang pamamayagpag sa broadcasting matapos magwagi 47th Catholic Mass Media Awards (CMMA).

Mayroong tatlong major awards at dalawang special citations ang nakamit ng Bombo Radyo Philippines.

Nanguna ang Bombo Network News bilang Best News Program kung saan ito ang pangalawang magkasunod na taon na makamit ang flagship newscast ng Bombo Radyo Philippines.

Ilan pang pangunahing award ay kinabibilangan ng Best Business News para sa Bombo Radyo Philippines habang Best Entertainment Program naman ay nakamit ng DYRF 99.5 Star Fm Iloilo sa programang Pinoy Memories.

Ang dalawang special citation ay ang Best Counseling Program ng 102.7 Star Fm Manila sa segment na “Istoryang Pasada: Takbo” at Best Public Service Program ang Bombo Radyo Philippines sa segment na “Bombo Lifestyle”.

Kasama ang mga programa ng Bombo Radyo Philippines at Star FM sa finalist ng iba’t-ibang kategorya ito ay kinabibilangan ng :

  • Bombo News and Views Morning Edition (Bombo Radyo Cebu) – Best News Program
  • Bombohanay sa Udto (Bombo Radyo Cebu) – Best News Commentary Program
  • Bombo Special Report (Bombo Radyo Philippines) and The Seven Last Words (Bombo Radyo Cauayan) – Best Educational Program
  • It’s All for You in the Morning (Star FM Bacolod) – Best Entertainment Program
  • Good Morning Philippines (Bombo Radyo Iloilo), Bombohanay Ed Ugto (Bombo Radyo Dagupan), and It’s All for You in the Morning (Star FM Dagupan) – Best News Feature
  • Sarming Ti Biag (Bombo Radyo Cauayan) – Best Drama Program

Iitnaguyod noong 1978 ang CMMA ng yumaong si Archbishop Jaime Cardinal Sin na kumikilala sa mga indibidwal at institusyon na gumagamit ang media sa promosyon ng katotohanan, human dignity at social responsibility alinsunod sa turo ng Simbahan.

Iniaalay naman ng Bombo Radyo Philippines ang nasabing karangalan sa lahat ng loyal na tagapakinig at viewers sa Pilipinas at sa ibang bansa na sumusuporta sa 32 fully digitalized stations na nagbibigay ng makatotohanang balita at makasaysayang serbisyo publiko.