LA UNION – Muli na naman tumanggap ng pagkilala ang Bombo Radyo La Union mula sa Naval Forces Northern Luzon (NFNL).

Isa angna binigyan ng pagkilala sa ika-42nd founding anniversary nito na ginanap sa Poro Point siyudad ng San Fernando, La Union.

Maliban sa Bombo Radyo at stakeholders ay tumanggap rin ng pagkilala ang mga opisyales NFNL.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Commodore Caesar Bernard Valencia, commander ng Naval Forces Northern Luzon, pinasalamatan nito ang mga stakeholders at Bombo Radyo La Union dahil sa patuloy na pagsuporta sa mga programa at proyekto na malaking tulong sa kanila.

Sa mensahe ni Valencia, ibinahagi nito ang kanyang pasasalamat sa mga sumusuporta sa kanila kung saan ibinahagi nito ang patuloy na pagpapaganda at pag-unlad sa mga proyekto at serbisyo ng Navy.

Muli rin nitong sigurado ang pagbabantay sa karagatan ng Northern Luzon upang maprotektahan ang mga tao at ang teritoryo ng Pilipinas.