ILOILO CITY – Binigyang pagkilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 6 ang Bombo Radyo Iloilo dahil sa malaking papel ng himpilan sa kanilang anti-drug campaign efforts.
Sa seremonyang kasabay ng 17th founding anniversary ng PDEA-Western Visayas, pinarangalan ang Bombo Iloilo dahil sa patas na pag-report at mahusay na presentasyon kaugnay sa mga ginagawa ng ahensya laban sa iligal na droga sa rehiyon.
Pinasalamatan din ng ahensya ang Bombo Radyo Iloilo dahil sa pagbibigay ng pagkakataon na maipaalam sa komunidad ang misyon at mandato nila para sa isang drug-free country.
Samantala, inamin ni PDEA-6 officer-in-charge Alex Tablate na kulang ang kanilang tauhan kaya mas marami ang nahuhuling drug personalities ng ibang ahensya ng gobyerno katulad ng Philippine National Police.
Sa kabila nito, sinabi ni Tablate na ginagawa nila ang kanilang makakaya upang magampanan ang kanilang tungkulin bilang pangunahing ahensya na lumalaban sa iligal na droga.