CENTRAL MINDANAO – Kagagawan umano ng New People’s Army (NPA) ang nangyaring pagsabog sa probinsya ng Cotabato.

Ayon sa ulat ng 901st Brigade na sumabog ang ‘di pa matiyak na bomba sa Purok 3, Barangay Bantac, Magpet, North Cotabato.

Ang lugar kung saan sumabog ang eksplosibo ay plano sanang pagtatayuan ng patrol base ng 72nd Infantry Battalion ng Philippine Army.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng militar at pulisya sa sumabog na bomba sa Brgy Bantac sa Magpet.