-- Advertisements --

Nakatiyak na ang Meralco Bolts na puwesto sa playoffs ng PBA Philippine Cup matapos talunin Terrafirma 105-89.

Nanguna sa panalo si Chris Newsome na nagtala ng 19 points, anim na rebounds at limang assists habang ay Aaron Black ay mayroong 16 points, tatlong at tig-14 points naman ang naitala nina Raymond Almazan at Allein Maliksi.

Natapos ng Dyip ang kampanya ng PBA Philippine Cup ng walang panalo sa kabuuang 11 laro.

Mayroon ng pitong panalo at apat na talo ang Bolts at sila ay sasabak sa best-of-three match sa sinumang manguna sa pagitan ng Magnolia at Barangay Ginebra.