-- Advertisements --
Tinapos ng Meralco Bolts ang dalawang sunod na pagkatalo nila matapos talunin ang NLEX 114-98 sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup sa Philsport Arena.
Bumida sa panalo ng Bolts si KJ McDaniels na nagtala ng 31 points na mayroong 12 rebounds habang mayroong 18 points si Chris Newsome at 15 points naman ang naitala ni Aaron Black.
Dahil sa panalo ay mayroon ng apat na panalo at tatlong talo ang Bolts habang ang NLEX ay mayroong anim na panalo at tatlong talo.
Sinabi ni Bolts coach Norman Black na ginamit lamang nila ang mga malalaking tao nila para tuluyang ilampaso ang NLEX.