-- Advertisements --

Naitabla ng Meralco Bolts sa 1-1 ang best of seven semifinals nila ng San Miguel Beermen ng magwagi sila sa score na 99-88.

Ito ang unang laro ng Bolts sa pagbabalik ng kanilang coach na si Norman Black matapos ang paglibang ng ilang linggo.

Nagtungo kasi sa US si Black dahil sa pagpanaw ng ina.

Nanguna sa panalo ng Bolts si Cliff Hodge na nagtala ng 17 points.

-- Advertisement --

Ayon kay Black na naging matagumpay ang ginawa nilang adjustment ng talunin sila ng Beermen sa unang game sa score na 121-97.