-- Advertisements --
Nalusutan ng Meralco Bolts ang Rain or Shine 107-102 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Philsport Arena.
Mula sa first half ng laro ay hindi makalayo ang Bolts sa Rain or Shine at sila ay nahirapan makabangon.
Ayon kay Bolts coach Luigi Trillo na naging mahigpit ang depensang ipinamalas ng Rain or Shine sa kanila.
Nanguna sa panalo ng Bolts ang import na si Suleiman Braimoh na mayroong 34 points at 14 rebounds habang mayroong 20 points si Chris Newsome at 16 points naman ang naiambag ni Allein Maliksi.
Nasayang naman ang nagawang 27 points ni Dajuan Summers ng Rain or Shine.