-- Advertisements --
Nalusutan ng Meralco Bolts ang Blackwater 102-98 sa overtime game ng PBA Commissioners Cup na ginanap sa Antipolo City.
Pinangunahan ni KJ McDaniels ang Bolts na nagtala ng 26 points, 16 rebounds at limang assists habang mayroong 18 points at nine rebounds si Aaron Black.
Nag-ambag naman ng 17 points si Chris Banchero at 16 points si Allein Maliksi.
Naging susi sa panalo si McDaniel matapos matapalan si Barkley Ebona sa natitirang 42 seconds at maitabla sa score na 96.
Naipasok din ni Black ang dalawang crucial free throws sa 12 seconds na natitira ng overtime sa score na 101-98.
Mayroon ng tatlong panalo at pitong talo ang Blackwater habang mayroong tatlong panalo at limang talo ang Bolts.