-- Advertisements --

Kinailangan pa Meralco Bolts ang Overtime 124-117 para maitabla sa 1-1 ang best of five semifinals nila ng TNT Tropang Giga ng PBA Governors Cup sa laro na ginanp sa Ynares Center sa Antipolo.

Nanguna sa panalo ng Bolts si KJ McDaniels na nagtala ng 39 points, 20 rebounds, tatlong blocks at tatlong steals.

Mayroon namang 28 points ang nagawa ni Aaron Black habang mayroong 15 points kay Cliff Hodge.

Sinabi ni Bolts coach Norman Black na lumakas ang kanilang enerhiya kumpara sa Game 1 dahil nakapagpahinga na sila mula sa quarterfinals laban sa Magnolia.

Nasayang naman ang nagawang 29 points ni Mikey Williams at 27 points para kay Rondae Hollis-Jefferson ng TNT.