-- Advertisements --

Hindi pinaporma ng Meralco Bolts ang Converge 105-99 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.

Nanguna sa panalo ng Bolts ang import na si Zachary Lofton na nagtala ng 30 points habang mayroong 21 points si Chris Banchero at 20 points naman si Allein Maliksi.

Ito na ang apat na sunod na panalo ng Bolts na mayroon na silang record na anim na panalo at isang talo kung saan nasa ikalawang puwesto na sila kapantay ang Phoenix Super LPG.

Sa simula ay hawak ng Bolts ang kalamangan kung saan umabot pa sa 29 points ang lamang nila 80-61 sa pagtatapos ng third quarter.

Pagpasok ng last quarter ay kinabahan ang Bolts ng magtala ng 38 points ang Converge para mailapit ang kalamangan.

Aminado si Meralco coach Luigi Trillo na muntik ng masilat ang kanliang panalo subalit naging pulido ang ginawang pagbabantay ng kaniyang manlalaro kaya hindi nila nahayaan na lumamang pa ang FiberXers.