-- Advertisements --
Pinatawan ng P100,000 multa at isang larong suspension si Meralco Bolts forward Cliff Hodge.
Ito ay may kinalaman sa ginawa niyang hard foul kay Zav Lucero ng Magnolia nitong araw ng Miyerkules.
Matapos kasi na maagaw ni Lucero ang bola kay Hodge ay gumanti ito na muntik niyang ibalibag ang Magnolia player.
Dahil sa nangyari ay nagkaroon ng alitan ang dalawang manlalaro na agad naman silang inawat.
Pnatawan din ng P20,000 na multa at isang laro na multa si Magnolia assistant coach Mon Jose dahil sa pakikipag-alitan kay Hodge kung saan na-headbutt pa nito.
Pinayuhan ni PBA Commissioner Willie Marcial sina Hodge at Jose na dapat ay kontrolin nila lagi ang kanilang galit.