-- Advertisements --

Nananatili pang buhay ang pag-asa ng Meralco Bolts sa playoffs matapos talunin ang Phoenix Super LPG 82-76 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Bumida sa panalo ng Bolts si Aaron Black na nagtala ng 18 points, apat na rebounds at apat na assists habang mayroong 15 points at anim na rebounds si Chris Newsome at 14 points si Chris Banchero.

Dahil sa panalo ay napigilan ng Bolts ang dalawang magkasunod na talo kung saan sila ay nasa pang-walong puwesto.

Labis ang kasiyahan ni Meralco coach Luigi Trillo dahil sa matinding laban na ipinakita ng kaniyang koponan.