Senator Jeanine Anez

Nagdulot ng kaguluhan sa Bolivia ang pagdedeklara ni Bolivian opposition senator Jeanine Añez sa kaniyang sarili bilang bagong presidente ng bansa kasunod ng pagbibitiw sa pwesto ni former Bolivia President Evo Morales.

Si Añez ay ang kasalukuyang bvise presidente ng Senado. Dahil dito ay nakakita ito ng tsansa upang ilagay ang kaniyang sarili bilang bagong pangulo ng naturang bansa.

Ilang supporters ni Morales ang nagtungo sa Congress building at inilahad ang kanilang pagnanais na bumaba na rin sa pwesto si Añez.

Sinalubong naman ang mga ito ng mga otoridad na gumamit ng tear gas upang pigilan ang kanilang panggugulo.

Ayon kay Morales, ang pagdedeklara ni Añez bilang interim president ng Bolivia ay ginawa ng walang maayos na legislative quorum at panigurado rin umano na sinuportahan ito ng armed forces at kapulisan upang gipitin ang mamamayan.

Kamakailan lamang ng magbitiw sa pagka-pangulo si Morales matapos itong ipag-utos ng ilang pinuno ng militar at otoridad dahil sa nagpapatuloy na kilos-protesta sa bansa.

Si Añez naman ay kasapi ng Democratic Social Movement kung saan nagsilbi ito sa Bolivian Senate taong 2010. Siya rin ang naging highest ranking member ng Bolivian government kasunod ng pagre-resign ni Morales.