-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nananatili sa kustodiya ng Makar Police Station ang boksingero na taga-GenSan matapos maaresto dahil umano sa iligal na droga.

Kinilala ito ni P/ Major Patrich Elma, chief of police ng Makar Police Station na si Eden Sonsona, gym instructor na taga-Alunan, Bula nitong lungsod.

Isinagawa ang buy bust operation sa Chinese Cemetery sa Barangay Apopong, GenSan.

Nakumpiska mula kay Sonsona ang tatlong sachet ng shabu at buy bust money.

Bukas, isasampa ng Makar Police Station ang kaukulang kaso laban sa kanya.

Sa pahayag ni Elma, matagal nang minomonitor ng pulisya ang mga gawain ni Sonsona.

Samantala, nito lamang Marso 2021 ang huling laban nito kung saan natalo siya kay Rimar Metuda.