-- Advertisements --

Pumanaw na ang bokalista ng bandang Jeremiah na si Piwee Polintan.

Kinumpirma ito ng banda ang pagpanaw ng kanilang bokalista.

Noong Oktubre 23 ng ma-stroke ang singer kung saan nanatili pa ito ng ilang araw sa pagamutan.

Si Piwee ang orihinal na miyembro ng grupo na itinaguyod noong 1998.

Ilan sa mga kantang pinasikat nila ay ang “Nanghihinayang”.

Taong 2007 ng dinapuan siya ng Stage 4 cancer sa tonsil kung saan gumaling ito ng sumailalim sa operasyon at chemotherapy.

Naideklara lamang siyang cancer-free noong 2011 at bumalik ito sa pagkanta.