Patay ang bodyguard ni Saudi King Salman matapos na barilin ng kaibigan dahil sa personal na alitan.

Binibisita lamang ni Gen. Abdel Aziz al-Fagham ang kaibigan nang magkaroon sila ng alitan ni Mamdouh bin Meshaal Al Ali.

Umalis sandali si Ali at pagbalik ay may dala na ito ng baril at walang habas na namaril.

Nasugatan naman ang pitong katao sa naganap na pamamaril.

Mabilis ding tumakas ang suspek matapos ang insidente.