Inihayag ng BI na ang mga body camera para sa mga immigration officers na nakatalaga sa mga paliparan ay darating sa katapusan ng taon.
Sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval, na ang unang batch ng mga body camera ay ipapadala sa Ninoy Aquino International Airport upang magamit sa pangalawa o secondary inspection.
Ito ay nagbibigay-daan sa BI na magsagawa ng research sa isang international traveller upang ma-verify ang impormasyon nang hindi nagdudulot ng mga pagkaantala para sa iba pang darating o papaalis na mga pasahero.
Kung sakali aniyang magkakaroon ng imbestigasyon o kung kailangan ng paglilinaw, madaling makikuta kung ano talaga ang nangyari.
Ang mga body camera ay magkakaroon ng livestream feature na maaaring malayuang ma-access ni BI Commissioner Norman Tansingco mula sa kanyang opisina sa Maynila.
Nauna nang inanunsyo ng BI na nakatakdang bumili ng P16 milyong halaga ng body cameras na maaari ding gamitin para mamonitor din ang mga aktibidad ng mga tauhan ng BI na nakatalaga sa mga international airport.
Titiyakin ng mga body camera na ang mga immigration officers ay epektibo at mananatiling nananagot sa kanilang mga aksyon bilang mga tagapagpatupad ng batas sa loob ng paliparan.