-- Advertisements --

Inaasahan ng Bureau of Customs (BOC) na magkaroon sila ng P100-bilyon na surplus pagdating ng Disyembre.

Kasunod ito ng malampasan na nila ang target collection ng 2022.

Umabot na kasi sa P745.50 bilyon ang koleksyon nila nitong Nobyembre na nalampasan ang P721.52 bilyon para sa buong taon.

Mas mataas ito ng P23.98 bilyon o 3.2%.

Ayon kay BOC spokesperson Arnaldo dela Torre Jr. na ang mga makukulekta pa nila ay magiging surplus na lamang.