-- Advertisements --

Siniguro ng Bureau of Customs (BOC) na nakahanda na ang mga patakaran nito para maiwasan ang congestion sa mga pantalan sa papalapit na holiday season.

Kasunod ito ng muling pagpapatupad ng truck ban sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) at iba pang kalsada.

Sinabi ni Customs Assessment and Operations Coordinating Group deputy commissioner Edward James Dy Buco na pinapanatili ng ahensya ang yard utilization rate alinsunod sa glocal standard rate na hindi lalagpas ng 70 percent.

Para sa Disyembre 1 hanggang 13, ang yard utilization ng Manila International Container Port (MICP) at nasa manageable level pa na 75 percent.

Dagdag pa nito na nakikipag-ugnayan din ang ahensya sa mga shipping companies at terminal operators upang hindi maantala ang kanilang serbisyo.

Inatasan na rin ng bawat Customs Container Control Division (CCCD) sa mga pantalan na mahigpit na ipatupad ang loading out ng mga containers na walang laman.