-- Advertisements --

Sinimulan na ng Bureau of Customs ang pagsasanay ng kanilang staff bilang paghahanda sa muling pagbuhay ng Philippine Customs Laboratory (PCL).

Ayon sa BOC na mayilang opisyal at empleyado nila ang nakapagtapos na ng training program sa Custom Laboratory Process sa Seoul, South Korea mula Agosto 27 hanggang Setyembre 3.

Layon ng nasabing programa ay mapalawig ang bilateral collaboration, pagpapalakas ng kaalaman sa South Korea at Pilipinas.

Sa ginawang training sa South Korea ay binisita nila ang mga strategic customs offices sa South Korea.

Kapag natapos na ang pagsasanay ng mga tauhan ng Customs ay mahihigpitan na ang pagbabantay kontra sa pagpupuslit ng mga imported na chemical products.