-- Advertisements --

Halos lahat ng mga transactions sa Bureau of Customs (BOC) ay digital na.

Ayon sa BOC na 91.8 percent o 156 sa 170 na Customs import and exports ay automated na sa tulong ng 33 information and communications technology (ICT) projects na ipinatupad sa nakalipas na tatlong taon.

Mas doble aniya ngayon ang bilang ng automation sa BOC kumpara noong 2019 bago ang COVID-19 pandemic.

Noong 2016 kasi ay nasa 28 percent lamang na mga Customs process ang automated.

Tiwala ang BOC na sa mga susunod araw ay magiging full autmated na ang lahat ng mga transaction sa kanilang opisina.