Nasabat ang isang barko na naglalaman ng produktong petrolyo na umano’y walang sapat na dokumento at papeles sa Barangay Cawit, Lungsod ng Zamboanga.
Isinagawa ng Bureau of Customs-Port of Zamboanga (BOC-PoZ) ang operasyon sa tulong ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service (ESS), Water Patrol Division, TG Aduana SWM/BARMM, at ang Coast Guard Inspector General – Southwestern Mindanao (CGIG-SWM).
Batay sa mga awtoridad, ang nasabat na produktong petrolyo ay umaabot sa 89,600 litro na may kabuuang halaga na P5.8 milyon.
Ang sasakyang-dagat naman na ginamit sa pagpupuslit nito ay nagkakahalaga ng P3 milyong piso.
Sa ngayon ay nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang mga awtoridad upang mapanagot ang sinumang mapapatunayang nanguna sa pagpupuslit ng nasabing produkto.