-- Advertisements --
Nahigitan ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang target collections sa buwan ng Pebrero.
Ayon sa BOC na mayroong P70.601 bilyon ang kanilang revenue collection nitong Pebrero.
Ito ay mas mataas ng 6.64 percent sa kanilang target na P66.207-B.
Ilan sa mga naging susi sa pagkamit ng kanilang target ay ang pinabuting assessment sa halaga ng mga imported goods.
Kabilang na rin ang pinaigting na kampanya sa anti-smuggling at border protections.