Mahigit 120 kaso ang inihain ng Bureau of Customs (BOC) laban sa mga umano’y tiwaling mga importers, brokers at empleyado dahil sa kanilang paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Batay sa datos, may kabuuang 127 kaso ang isinampa ng Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS) laban sa mga nasabing indibidwal simula noong taong 2020 hanggang Enero 8, 2021.
Sa naturang bilang, 75 criminal cases ang isinampa sa Department of Justince (DOJ) laban sa iba’t ibang importers, habang 52 administrative cases naman ang inihain sa Philippine Regulatory Commission (PRC) laban sa mga customs brokers.
Sa parehong period naman ay aabot ng 370 cases on appeal ang niresolba ng BOC- Revenue Collection Monitoring Group (RCMG) sa pamamagitan ng Legal Service.
Ang mga kasong ito ay binubuo ng mga abandonment proceedings, seizure at forfeiture cases, determination of probable proceedings, at protests.
Dagdag pa nito na mayroon ding 48 disciplinary administrative cases na isinampa sa ilang tiwaling opisyal ng BOC mula 2019 hanggang 2020 kung saan 18 dito ang dinala sa Office of the Ombudsman.