Pormal nang itinurn-over ng Bureau of Customs Port of NAIA sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang shipment na naglalaman ng 980 pieces ng Methyl enedioxy methamphetamine (MDMA) o mas kilalang “ecstasy” na nagkakahalaga ng P1.8 million.
Ang parcel ay misdeclared na “samples” ng Central Mail Exchange Center.
Ang parcel ay mula sa “U Janssen” mula Netherlands at nakapangalan kay “Joey S. Ramos Jr.” from Malate, Manila.
Dahil na rin sa mahigpit na profiling ng Customs personnel, ang naturang parcel ay agad idinaan sa X-ray Scanning na naging daan para masabat ang ecstasy.
Nakasilid ang iba’t ibang kulay ng pills gaya ng gray, turquoise at orange sa loob ng brown envelope.
Haharap ang mga suspek na sangkot sa pagpasok ng kontrabando sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.