-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Bureau of Customs na kanilang nahigitan ang revenue target collection noong Marso.

Ayon sa BOC na mayroong P75.429 bilyon ang kanilang nakulektang revenue noong nakaraang buwan.

Ang nasabing bilang ay 3.45 percent na mas mataas sa target nila na P72.910-B.

Mula Enero hanggang Marso ay nagtala sila ng P219.385 bilyon na koleksyon na ito ay mas mataas na 4.03 percent ng kanilang P210.896 bilyon na target.

Isa sa dahilan ng mataas na revenue collection nila ay ang pinataas na assessment rate at ang improvement ng revenue collections.