-- Advertisements --
image 300

Nagsagawa ng focused group discussion (FGD) ang Bureau of Customs kasama ang Serious and Organized Crime Threat Assessments (SOCTA) Research Team ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) upang masugpo ang mga krimen sa bansa.

Ang Serious and Organized Crime Threat Assessments ay nag-iimbestiga at kinikilala ang mga kriminal na merkado ng bansa at ang kanilang mga lugar.

Tinalakay ng mga opisyal ang mga estratehiya sa nasabing lupon upang matugunan ang mga issue sa revenue collection, trade facilitation, at border protection.

Sa talakayan, sinabi ng mga opisyal na kailangang magkaroon ng coordinated plan mula sa buong gobyerno para labanan ang illegal smuggling ng mga bilihin.

Dahil dito, titingnan din ng pangkat ng Serious and Organized Crime Threat Assessments ang mga network na sangkot sa mga krimeng ito at tutukuyin kung nagtatrabaho sila bilang mga grupo o bilang mga indibidwal.

Higit pa rito, susuriin din ang mga salik sa kapaligiran ng bansa na nagpapakilos sa mga kriminal sa mga seryoso at organisadong paglabag sa batas ng bansa.

Una na rito, ang BOC ay pinaiigting ang mga monitoring upang masugpo ang talamak na ilegal na aktibidad sa kalakalan at magkaroon ng safe trading environment ang ating bansa.